| pong |
[Jun. 25th, 2008|06:03 pm] |
| [ | Tags | | | wala | ] |
| [ | Current Location |
| | opis | ] |
| [ | ako ay: |
| | naiinis | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | tunog ng maingay na keybord | ] |
ayun.. ala sais na pala.. balak ko pa naman sanang magdrama (recently, that's what i do best) tungkol sa buhay buhay. mali. mali talaga.. madaming bagay. pero six na.. uwi nalang muna ako. kaya lang naman ganito ay dahil may nalaman na naman akong mali. maling mali. sige sha.. bukas... sana may bukas pa. |
|
|
| x-man (o_O) |
[Jun. 12th, 2008|01:22 am] |
 |
Most Comprehensive X-Men Personality Quiz 2.0 created with QuizFarm.com |
| You scored as Jean Grey Jean Grey is likely the most powerful X-Man. She loves Cyclops very much but she has a soft spot for Wolverine. She's psychic so she can sense how others are feeling and tries to help them. She also has to control her amazing powers or the malevolent Phoenix entity could take control of her and wreak havok. Powers: Telekinetic, Telepathic
Jean Grey |
| 75% | Cyclops |
| 70% | Beast |
| 70% | Emma Frost |
| 65% | Wolverine |
| 60% | Rogue |
| 55% | Iceman |
| 55% | Nightcrawler |
| 50% | Colossus |
| 50% | Gambit |
| 45% | Storm |
| 45% |
|
 |
|
|
| masarap na rin.. |
[Nov. 8th, 2007|03:48 pm] |
| [ | Current Location |
| | sa ikatlong lamesa | ] |
| [ | ako ay: |
| | mapayapa | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | close to you | the cranberries | ] | hehehe.. kahit papaano, masarap na rin ang ganito. pero namimiss ko ang lucena. hohoho... sayang nga, hindi man lang namin natapos ni mr. james ang 'search for the greatest CHAMI'.. hmmmm.. tsaka masarap atang mag-movie marathon!! haha, aim ko pa namang maging 'member of the month' sa video city sa sm lucena.. tapos ung nakulekta kong '11, 652' tickets sa WOF!!!
hay.. nandun din ang aking mga mahal na kaibigang pagong.. ung mag-ina ko, si Majin at Gin.. Pati ung bago kong WOF doggie.. at pati na rin si Tigger at Eaglee.. isama mo na rin si Alex!! waaaa..
sayang.. pero ok na rin ito. at least naa-update ko blog ko. wala kasi akong internet dun. asus.
sana makapag drawing na ako ulit. miss ko na rin un.. ahay.. |
|
|
| em back in maneeeeela!!!!! yeebah.. |
[Nov. 5th, 2007|02:50 pm] |
| [ | Current Location |
| | ermita, manila | ] |
| [ | ako ay: |
| | malugod | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | wala.. hay, wala akong earphones eh.. | ] | yes.. well, no.. urrrrhm.. ehem..
officially, hindi na muna ako magtuturo sa lucena.. sort of happy, sad, excited, sad, clueless, sad ~
long story.. political, personal, or sabihin na nating hindi na muna ako para dun.. pero mamimiss ko ang aking mga nakagawiang gawain sa lucena.. SM! sheeep.. meee... madaming baka at pakalat-kalat na kambing.. hohoho.. syempre mga studyante kong marino.. henaku.. hirap din palang ma attach sa mga estudyante.. hahaha.. sponge cake!
anyway, eto ako, manila girl.. yeah! dito muna ako sa ermita, manila.. sa tapat ng US emba at malapit-lapit sa bay walk.. woohoo.. in short, palaboy ako... hehehe... di naman.
take note, semi formal ang lola mo! sh*t.. masamang masama man sa lamang-loob ko, no choice. as in. at least, malapit lapit nalang ako.. so kung kelangan nyo ko, wala ako, tulog, may sakit at naglalaba! hehe
hmmm, naghahanap nga ako ng bahay dito sa manila.. mahirap maglakbay mula malabon eh.. kaya kung may alam kayo dyan, ipagbigay alam nyo sa akin. malugod kitang pasasalamatan! ^_^
ayun lang.. goodluck sa bagong trabaho ko.. mukhang malalanghap ko na naman ang polusyon. ok lang. ganun talaga. |
|
|
| hohohoho, masayang gumala.. |
[Jun. 23rd, 2007|04:25 pm] |


My Lakbayan grade is C! saan-saan ka na nakagala?? gusto mo bang malaman kung gaano kalaking parte ng pilipinas na ang nagagalaan mo? hehehe.. tuklasin sa Lakbayan! ang malupit na gumawa nito ay si Eugene Villar.
hehehe, sa ngayon, eto muna ako, hindi pa muna makakagala.. |
|
|
| long exam 1 |
[Jun. 23rd, 2007|02:38 pm] |
dobiiiiii.. dobidoo bidoo.. bidoo bidoo.. waaa..
mahirap gumawa ng kantang makata..
zzz.. kelangan kong magising! gagawa pa ako ng long exams.. harrrr.. parang bumalik lang ako ng college.. this time, ako naman ang boss.. hahaha, masarap ang pakiramdam pero, p*tcha naman, nakakapagod ng matindi.. naalala ko minsan, sabi ng isang studyante ko:
student: ma'am, mahirap po ba ang math? ako: ha? errr, malalaman mo din pag tumagal-tagal ang klase natin.. student: ahhh, ma'am sana madali lang.. ako: ahhh.. sana nga..
whahahaha, hallller.. MATH? sana nga madali lang siya.. pero sad to say, hindi siya ganun kadali.. ang education system pa naman sa pilipinas ay (sa di ko malamang kadahilanan)napakahirap sakyan.. sa mga probinsya kasi, parang walang quality control ang mga tinuuturo.. hindi kasi ako naniniwala na mahihina ang mga taga-probinsya.. mas maniniwala akong hindi lang talaga patas ang mga bagay-bagay.. sana magawa ako ng paraan.. wish ko lang..
haaaaaaa (*hikab* with todo powers!) nakakaantok talaga.. gagawa ako ng isang exam sa math na kahit ako ay kailangang sumagod. o diba, bongga.. sh*t tae.. akala ko tapos na ako sa mga gantong bagay. hahaha.. hello!! nagsisimula na naman ako.. ahohoho..
eto.. sige, tama na ang pag-uubos ng oras... hahaha... |
|
|
| matapos ang seremonyas ng pagtatapos... |
[May. 29th, 2007|12:40 pm] |
| [ | Tags | | | work | ] |
| [ | Current Location |
| | ermita, manila | ] |
| [ | ako ay: |
| | buang.. | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | bagong album ng linkin park | ] |
isang mapagpugay na umaga!! matapos ang seremonyas ng pagtatapos ko sa ateneo.. eto ako.. isang nalilito at nagugulumihanang bata.. as usual.
hmmm.. syempre, maligaya akong tumaggap ng isang rolyo ng blangkong papel.. usually bond paper na long. may ribbon.. astig.. parang totoong diploma na talaga.. hindi ko nga naihagis kasi naaawa ako sa mga kaibigan kong maintenance sa ateneo na pupulot ng mga iyon.. inuwi ko sa bahay. akala ng lola ko, ipapaframe ko pa.. sayang, wala akong budget.
natapos ang lahat sa isang gabi.. well, para sa akin.. isang matinding hudyat ng pagiging tambay o unemployed.. masakit isipin na isa ako sa libu-libong nagtapos sa buong bansa na makikipag-unahan sa mga tanggapan para lang mag-apply.. hoooo.. naalala ko bigla, meron nga palang nag-alok sa akin na magturo.. sabi ko sa sarili ko, wow naman.. ang gandang career nun. hmmm.. tinanong ko kung anong subject, math and physics daw! solid!!! info design ako.. dating math.. pero ayun.. mukhang kapit patalim na.. kelangan ko ng trabaho.. ang aking 'business' ay magpapatuloy ng wala ako.. kaya kelangan ko ng trabaho.. pero may isa pang problema.. sa lucena, quezon ako kelangang magturo. wow na naman!! maayos naman daw ang magiging buhay ko dun.. libre bahay at hindi ako pababayaan.. hmmm.. sige, try ko.. baka naman kaya ko.. bula-bolahin.. magic..
eto.. after one whole summer ng pagsubok na mambola at magbahagi ng naalala ko sa algebra at pisika, buhay pa naman ako.. humihinga ng tama sa ritmo. walang sakit na malubha. okkkk.. maayos nga ang bahay.. parang akin talaga.. pero naman.. patayan sa balikan linggu-linggo.. wow talaga.. parang namamasyal lang ako.. all the way down.. limang oras pag malas, mahigit pa.. pag swerte, kaya ng tatlo.. hooooo hoo..
bagong experience nga naman.. at hindi na ako unemployed.. nakakatulong pa ako kung sakali.. pwedeng-pwede pa akong magmasters dun. ang problema ko lang, homesickness at insanity.. booooring in short. walang tv, may computer pero walang laman.. honk. ako na isang aktibo at bibong bata.. walang magawa. wow na wow..
hay.. masarap palang magturo.. pero mahirap din talaga. pano kaya.. kayo? kamusta ang mga buhay ninyo sa ngayon nang matapos na ang seremonyas ng pagtatapos?! ako.. eto.. isang guro... kahit papano, masaya ako. hohoho... |
|
|
| as usual, stressed.. |
[Feb. 21st, 2007|04:37 pm] |
| [ | Current Location |
| | gonzaga 3 | ] |
| [ | ako ay: |
| | bangag | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | kiss me | ] | namiss ko lang mag-online entry.. kaya eto, kahit alam kong san damakmak ang mga gagawin ko, sang katutak ang iisipin ko, san dangkal ang babasahin ko, at ano pa ba? hay.. marami pa akong nakakalimutan! sh*t.. panget..
lapit na grad.. sana lang, masabit ako.. diyos ko, kelangan ko po ng inyong grasya..
tama ang ibang tao, mas madaling umayaw. pero sabi nga ng isang taong malapit sa akin, 'ang mga namamatay, kinakalimutan.' wak, natatakot akong mabaon sa ilalim ng lupa. harhar...
hello sa mga tao dyan sa paligid.. pasensya na, medyo hindi pa maayos ang mga makinarya ng buhay ko.. babalitaan ko kayo kapag nakaya ko pang tumayo at lumakad matapos kong pilitin ang sarili ko na gawin ang mga bagay na hindi naaayon sa aking ingklinasyon/hilig. ayon nga kay kant, may moral worth iyon. hmmm..
sige, tama na.. sayang ang mga minuto.. wahaha, parang masarap atang matulog ngaun no? |
|
|
| need for cashhhh.. |
[Dec. 6th, 2006|02:44 pm] |
| [ | Current Location |
| | fa dept | ] |
| [ | ako ay: |
| | naiinis | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | boogie wonderland | brittany murphy | ] | wow.. in my entire existence, ngayon lang ako nagkaproblema ng ganito katindi sa pera. as in major. haaay.. at hindi pa para sa akin lang.. o diba.. nakakainis kasi ung mga taong hindi marunong magbayad ng tama.. tsk tsk.. i hate them for being unprofessional.. waaa.. as usual, nagrereklamo na naman ako.. |
|
|
| masamang umaga.. |
[Nov. 25th, 2006|06:10 am] |
|
bastusan.. ang sama ng simula ng araw na ito. f*ck. gumising ng maaga para lang kausapin ka.. yan ang lang ang sasabihin mo sa akin?! sana natulog nalang ako. bwiset! |
|
|
| (no subject) |
[Sep. 26th, 2006|09:46 am] |
| [ | Current Location |
| | sa isang upuan | ] |
| [ | ako ay: |
| | may sakit.. | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | i miss you | aaliyah | ] | update lang.. wala akong magawa eh.. (although madami pa talaga akong dapat gawin sa mga oras na ito.) *sigh*
>> sa school.. * history.. waaa.. kailangan kong bumawi!!! kailangan!!! * theology.. report.. wala si sir bobby guev.. lagot kami pagbalik nya.. * philosophy.. orals nalang ang papatay sa akin dito. * fa 172.. waaa, dami kong utang.. harrr.. kelangan kong tapusin! wak! * thesis.. kamatayan.. whahaha. ang pangit naman sa ganitong paraan.. napaka common na eh.. hay..
>> sa bahay.. * wala pa rin. magulo pa rin ang bahay at buhay.. san ka pa?
>> para sa mga karagdagang katanungan, mag text o mag email lang sa akin.. haha.. labo.. |
|
|
| update lang.. |
[Aug. 4th, 2006|10:15 pm] |
| [ | Current Location |
| | lab desu | ] |
| [ | ako ay: |
| | lutang.. | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | katahimikan.. | wala.. | ] | ako ay isang taong mahilig kumain, manood (sa ngaun, teni puri), maglaro, matulog at magpakapagod..
kumain: masarap ang mga pagkain.. kumain kami ngayon ng ruffles - sour cream flavor, cheese, at maraming marami pa.. haha.. masarap.. pero the best pa rin ang mr. chips at tortilla! hahaha.. yummy..
manood: ang teni puri ay nakakaadik! shaaaams.. hindi ko siya mapalampas.. hahaha.. fuji senpai was sooooo amazing.. ryoma sama rin!! greato desu! hahaha.. mada mada dane
maglaro: madaming bagay na nakakaaliw.. ang proximity ay isang larong nakatutuwa.. ang websudoku.com ay nakakaadik din.. in short, masarap maglaro palagi.. nakakasawa na kasi ang drama.. mahirap naman kung laging malungkot.. hay.. buti nalang..
matulog: oo naman.. masarap kapag ginagamit mo ang oras sa gabi para lang matulog.. masarap kapag wala kang alam sa labas na mundo.. sobrang sarap.. hehe..
magpakapagod: kamamatay lang pamangkin ko sa pinsan.. si yesha.. inaanak ko rin siya.. pagod na ako.. yun lang.. |
|
|
| i wish i was twelve.. |
[Jul. 7th, 2006|10:15 am] |
| [ | Current Location |
| | lav | ] |
| [ | ako ay: |
| | pagod na.. | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | spoliarium |imago| | ] | edited
madaming pangyayari ang hindi na dapat pagtuunan ng madaming pansin. tama.. dapat ihagis sa dagat ng alaalang mapanira.
patay ang oras.. sagabal sa paglalakad ang madulas na lansangan.. lalong maingay ang babaeng hindi marunong makinig.. talo ng maparaan ang magagaling pero tamad.
puti ang damit ko ngaun.. kagaya ng mga upuang sira.. tulad ng mga ulap na gumagalaw ng malumanay sa kalangitan..
masarap ang pakpak.. naaalala ko ang kabataan.. masarap maging bata.. masaya na sa pakpak..
noon pa yon.. ngayon, 60 pesos na ang chicken wings + rice ng mcdo..
shet..
ang mahal.. |
|
|
| game over.. |
[Jun. 14th, 2006|03:03 pm] |
| [ | Current Location |
| | labbbb... | ] |
| [ | ako ay: |
| | wala sa sirkulasyon.. | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | keys me.. |alana *viva hot beyb!*| | ] | wala na si akin ka nalang.. hindi naman sa namatay na siya o kung ano man.. nawala lang.. hindi na.. wala na.. sumuko na ako.. un lang.. |
|
|
| bully... tamad ako.. |
[Jun. 1st, 2006|10:25 am] |
| [ | Current Location |
| | room | ] |
| [ | ako ay: |
| | naiirita na naman.. | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | wala eh.. | ] | busy ako sa mga nagdaang panahon.. haha.. sobra.. lagi naman akong ganito, busy.. pero tamad.. pero busy talaga.. wahahaha.. sarap naman kasing magprocrastinate.. ngaunit napatunayan kong sa totoong buhay, bawal un.. mahirap kasi.. maiipit ka sa isang katutak na deadlines na hindi mo na malaman kung paano mo tatapusin.. sayang nga at hindi ako nagkasakit nung mga panahon na un.. tsk tsk.. akala ko pa naman, papayat na ako this summer.. wek.. kalokohan.. hindi na talaga ako papayat dahil sanay na ang katawan sa sang katutak na stress.. waaa.. nakakalungkot..
susundan ko ito kapag nasa mood na ko.. oo, wala pa ako sa mood nyan.. hahah.. |
|
|
| anilao.. overdue post.. |
[May. 26th, 2006|04:02 pm] |
| [ | Current Location |
| | Quezon City | ] |
| [ | ako ay: |
| | naninibago at naiingayan.. | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | tilian ng mga batang walang kamuang-muang.. | ] | tama.. ang anilao, batangas ay aming dinayo nung nakaraang panahon.. hindi ko alam kung kailan pa un.. basta.. matagal tagal na.. hahaha.. eto ang ilan sa mga alaala..
( click me )
hehe, ngayon ko lang kasi nakita si czeeekie monstarrr.. at naaawa pa ako sa kanya.. namamaga ang kanyang mukha.. whahaha.. kawawa talaga.. naasar pa ako..sa hindi mo malamang kadahilanan..
ps. maganda ang tanawin.. kung nood ko pa pinost ito.. malamang, puro inis lang ang masasabi ko.. pero sa ngayon, nakatatawa nalang.. hehe.. masarap palang agahan ang ovaltine.. |
|
|
| tonight, i will sleep.. |
[Apr. 25th, 2006|05:54 pm] |
| [ | Current Location |
| | sa sulok ng CTC322 | ] |
| [ | ako ay: |
| | inaantok ng matindi | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | teenage dirtbag |wheatus| | ] | sa mga lumipas na araw, ang pakiramdam ko ay hindi na dumadaloy ang aking dugo.. tama.. siguro nga ay posibleng napagod na rin ito sa pagdaloy.. nakakalungkot.. ang buong mundo ay patuloy na umiinog sa isang napakagulong buhay.. wala akong magagawa.. mas marami akong mairereklamo sa mundong ito.. pero hindi na rin kaya ng utak at lakas ko..
kailangan ko ng tulog.. masarap un.. ayoko munang mag-isip.. alam kong imposible.. dahil kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon ay pinipilit ng utak kong unawain at intindihin ang lahat ng mga pangyayaring nagaganap sa aking paligid.. maingay, mabilis.. nakakatakot..
---- sabi niya, 'musta kanina?' sabi ko, 'ayos lang..' marami akong sinabi pero ang lahat ay walang kabuluhan.. puro walang katuturan.. noon pa man ay marami na akong tanong.. pero hindi ko kayang sabihin eh.. sabi mo, ayos ka lang din.. may nagbago sa mundo.. napansin mo ito.. nalungkot ako.. may sinabi ako.. hindi mo na narinig.. ayos lang.. ang akala ko ay wala kang pakialam..
siguro nga wala.. ----
malungkot ako para kay frederick.. kinailangan niyang danasin ang mga bagay na wala siyang laban.. kaya mo yan kaibigan..
sa totoo lang, naguguluhan ako sa mundo.. maraming pasikut-sikot pero konti lang din ang mga kinahihinatnan.. siguro nga, ang mga komplikasyon ay nakadadagdag ng hiwaga, saya, at kung minsan ay panganib.. pana-panahon lang.. sa ngayon.. wala akong laban..
ahhh.. inaantok talaga ako.. |
|
|
| tickle test.. again.. haha.. |
[Apr. 17th, 2006|06:32 pm] |
| [ | Current Location |
| | Quezon City | ] |
| [ | ako ay: |
| | natapos na.. | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | I've Got Sunshine |The Temptations| | ] |

Your true color is Red!
Your color is red, the color of racy sportscars, blushing cheeks, and luscious roses. Red symbolizes passion, romance, and love. So, since you're ruled by red, you probably trust your feelings more than your brain and tend to act spontaneously. If you see something you want, you go for it without thinking twice — impulsive is your middle name. You don't wait around for people to make decisions, either; you dive right in. Quite the romantic, you pay close attention to your emotions. In fact, if your heart isn't in what you're doing, you won't be satisfied. Of course, even when you do pour all your energy into the projects you tackle, your impetuous nature means your passions can shift as frequently as the wind. That's why some reds have trouble with commitment. Our advice? Next time you're feeling fickle, think before you act, if possible. You might be surprised at the results. Overall, though, it's great to be red. No one lives life more completely than you do.
What's Your True Color?
Brought to you by Tickle |
|
|
| free day today! |
[Apr. 9th, 2006|02:02 pm] |
| [ | Current Location |
| | Quezon City | ] |
| [ | ako ay: |
| | nababaliw! | ] |
| [ | kumakanta ng: |
| | alapaap |eraserheads| | ] | wala akong trabaho today! hooray!! hehehe..
kaya nagpapakabaliw na lang ako sa panonood ng kung anu-ano.. oo nga pala, may bago na akong laruan.. hehe.. tama, isang laruan.. digicam!! hehehe... kodak easyshare c360.. hehehe.. solve.. ^___^ |
|
|
| paramdam ka naman.. |
[Mar. 30th, 2006|06:18 pm] |
tinatamad na naman ako.. anong bago?! hehe.. at least, nakatutulong ako sa aegis kahit paano.. haha.. nakikita ko ang iba't ibang trip ng madaming tao.. weirdness..
hmmm, san kaya ako pupunta?! bacolod, romblon, gabaldon, baguio, pangasinan, sa lab o sa bahay? hay.. gusto ko nung camera!! pootek.. amp! 10K! 5mega pixels beybe! argh.. ano kaya ang magandang gawin?! trabaho.. mukhang kelangan ko nang magtrabaho! hai! tama.. mabuhay ang mga pasaway!!
---------- pssst, san ka na?! |
|
|